Umano’y pagtanggap ng suhol ng ilang NBI agents, nabunyag

by Radyo La Verdad | June 12, 2015 (Friday) | 2952

de lima
Seryosong iniimbestigahan sa ngayon ang isiniwalat ng isang impormante na sinusuhulan ng 1.5 million pesos ang ilang NBI agent kapalit ng bawat cellphone na ipinupuslit para sa mga drug lord na nakakulong sa NBI detention cell.

Kabilang ang impormante sa labing siyam na convicted drug lord na pansamantalang dinala sa nbi habang inaayos ang seldang paglalagyan sa kanila sa New Bilibid Prisons.

Ayon sa impormante, ang mga NBI agent umano na nag-iinspeksyon sa kulungan ang mismong nag-iiwan ng cellphone para sa ilang drug lord kapalit ng pera.

Mga Chinese drug lord umano ang nakikipag negosasyon sa mga NBI agent para sa mga cellphone.

Galing umano sa labas ang perang pinansusuhol sa mga agent.

Posible rin umano na isang opisyal ng NBI ang sangkot sa suhulan.

Isinailalim na witness protection program ang impormante dahil ikinokonsidera itong testigo sa ngayon.

Iniutos naman ni Secretary Leila De Lima ang pagtanggal sa hindi pa pinangalanang NBI agents.

Tags: