Umano’y pagtaas ng presyo ng manok, iimbestigahan ng DTI

by Radyo La Verdad | April 20, 2018 (Friday) | 2394

Iimbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang balitang tumaas ang presyo ng manok sa merkado.

Ayon sa United Broiler Raisers Association, walang silang natatanggap na ulat na namamatayan ng alagang manok sa kanilang grupo at hindi naman tumataas ang presyo ng buhay na manok.

Sa San Andress Market sa Maynila, wala namang paggalaw sa presyo ng manok na ngayon ay naglalaro sa 135-150 pesos  kada kilo.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, susuriin ng kagawaran ang lahat ng prosesong pinagdadaan ng manok mula sa poultry farm hanggang sa palengke upang matukoy kung ano ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng manok.

Ayon DTI, sa ngayon ay sapat pa naman ang supply ng manok sa bansa.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,