Umano’y paghina ng PH-US ties, isinisi ni Donald Trump kay US Pres. Barack Obama

by Radyo La Verdad | October 25, 2016 (Tuesday) | 14285
US Presidential Candidate Donald Trump(REUTERS)
US Presidential Candidate Donald Trump(REUTERS)

Isinisi ni Republican Presidential Candidate Donald Trump kay US President Barack Obama ang umano’y paghina ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at America.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na military at economic ‘separation’ sa Estados Unidos sa kanyang pagbisita sa Beijing,China.

Sa isang campaign rally sa Fletcher, North Carolina, sinabi ni Trump na ‘humina’ na umano ang Estados Unidos kaya naman bumabaling sa China at Russia ang Pilipinas na isa sa mga Pro-American Country sa Asya.

Tags: , ,