Umano’y P200-M Hajj passport scam, nais paimbestigahan sa Senado

by Radyo La Verdad | September 2, 2016 (Friday) | 2234

JOYCE_HAJJ
Naghain ng resolusyon ni Sen.Nancy Binay sa Senado para tignan ang naging anomalya sa pag-iisyu ng Philippine Hajj passports sa mga foreigner.

Ayon sa senadora, nagkakaroon ng risk sa seguridad ng bansa dahil sa banta ng terorismo.

Kamakailan lang ay pinagbawalan na ng Bureau of Immigration na lumabas ng Pilipinas ang 177 na Indonesian na nakapasok sa bansa dahil sa Philippine Hajj passports.

Ayon kay Binay, umabot sa 200 million ang naibayad ng mga indonesian para sa mabilis na pagproseso ng passport.

Dahil dito kailangan aniya na tingnan ng Senado ang pagkakadawit ng government officials and employees sa maituturing niyang kurapsyon sa BI.

Samantala, sinabi naman ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose, naturn-over na sa kanila ang mga nasabing passport.

Iniimbestigahan na rin nila ang naging anomalya at tinitignan ang posibleng kaso na maiisampa sa mga mapapanagot dito.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,