Umano’y misencounter sa pagitan ng militar at pulis sa Samar, pinaiimbestigahan sa Kamara

by Radyo La Verdad | July 4, 2018 (Wednesday) | 3064

Naghain ng resolusyon sa Kamara ang Makabayan Congressmen na layong paimbestigahan sa House Committee on Public Order and Safety at Committee on National Defense ang nangyaring misencounter sa pagitan ng mga sundalo at pulis sa Samar.

Ayon kay Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao, nangangamba sila na baka mabaon nalang sa limot ang nangyari matapos akuin ni Pangulog Duterte ang responsibilidad sa nangyaring insidente.

Nais ng grupo na may masampahan ng kasong kriminal, administratibo at sibil dahil sa nangyaring engkwentro. Una nang nilinaw ng tagapagsalita ng Pangulo ang isyung ito.

Nais ring maimbestigahan ng grupo kung may paglabag ang mga sundalo sa rules of engangemet dahil sa tindi ng mga tinamong sugat ng mga nasawing pulis.

Handa namang makipagtulungan ang mga pulis at militar sa imbestigasyong isasagawa ng Karama sa insidente.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,