Umano’y mga insidente ng Tokhang for Ransom, iimbestigahan sa Senado ngayong linggo

by Radyo La Verdad | January 25, 2017 (Wednesday) | 911

BRYAN_LACSON
Sa susunod na Huwebes ay sisimulan na ng Senado ang pagdinig sa kontrobersyal na isyu na kinasasangkutan ngayon ng mga pulis, ang umano’y Tokhang for Ransom.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson na Chairman ng Public Order and Dangerous Drugs Committee na magsasagawa ng pagdinig, iimbitahan si SPO3 Ricky Sta. Isabel nasiyang itinuturong pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng head quarters ng Philippine National Police.

Dadalo rin sa pagdinig sina PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa, kinatawan ng Department of Justice, prosecution panel, PNP Anti-Kidnapping Group at ang pamilya ng pinaslang na Korean national.

Ayon kay Lacson, nais nilang tingnan kung maituturing bang isolated case ang nangayari kay Jee.

Nais din ng Senador na tingnan kung matagal nang mayganitong krimen na kinasasangkutan ng mga pulis.

Nilinaw naman ni Lacson na hindi magbibigay ng testimonya sa pagdinig ng Senado ang asawa ni SPO 3 Sta Isabel na si Jinky na marami nang sinasabi laban sa ilang kasamahan ng suspek sa PNP.

Inaasahan naman ni Lacson na sa pamamgitan ng pagdinig ay magkakapagpasa ng mga batas na maaaring sumagot sa problema ng tinatawag na “Tokhang for Ransom”.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,