P154 na dagdag sa minimum wage, hihilingin ng labor group

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 2508

REY_SAHOD
Nagpapadagdag ang grupo ng mga manggagawa ng P154 para sa kanilang minimum wage o arawang kita.

Ayon sa Trade Union Congress of the Phiilippines o TUCP, bukas ay maghahain itong petisyon sa DOLE upang bago sumapit ang labor day sa May 1 ay makapagdesisyon na ang wage board.

Sa ngayon ay P481 ang minimum wage sa National Capital Region subalit ayon sa grupo, nasa p364 na lamang ang real value o purchasing power nito dahil sa inflation at pagtaas ng cost of living.

Ito ay batay anila sa pagtaya narin ng National Wage and Productivity Commission.

Noong Abril nang nakaraang taon ay P136 ang hiniling ng mga manggagawa subalit P15 lamang ang inaprubahan.

Samantala, umabot na sa 27.1M ang mga manggagawa na nasa underground economy base sa datos ng TUCP.

Ito anila ay kinabibilangan ng mga informal sector workers gaya ng mga jeepney, truck, tricycle, bus drivers at konduktor, wet and dry vendors, truck assistants, sales ladies, barbers, beauticians at port workers.

Resulta umano ito ng tanggalan sa mga formal sector.

Dahil sa mas maliit na kita ng mga ito ay lumiliit din ang tyansa na makapag bayad sila sa mga social protection gaya ng SSS, PHILHEALTH at PAGIBIG.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , , ,