Ika-11 ng Setyembre, pasado alas nuebe ng gabi nang makunan ng CCTV ang isang puting van na umaaligid sa bahay ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon sa Senador, kaduda-duda ang naturang sasakyan dahil dalawang beses itong nagpaikot-ikot sa kanilang bahay.
Sa isa pang kuha ng CCTV, makikita na ibinaba pa ng driver ang bintana ng sasakyan upang tignan ang bahay ng senador.
Ayon kay Senador Trillanes, pina-iimbestigahan na nila ang naturang sasakyan, at sinabing malinaw na harrasment ito sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Pinaiimbestigahan na ng kampo ng senador ang insidente, at hawak na rin nila ang plate number at pangalan ng may-ari ng naturang sasakyan.
Pero ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bunga lamang ito ng labis na pagdududa ni Trillanes.
Samantala, handa naman umanong magtungo sa Davao City si Senator Trillanes upang harapin ang kasong libel na isinampa laban sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Nanindigan ang senador na hindi siya natatakot sa kabila ng banta ng posible pag-aresto sa kanya matapos na bawiin ni Pangulong Duterte ang kaniyang amnesty.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng legal team ni Trillanes ang mga hakbang na kanilang gagawin kaugnay ng kasong libel na kinaharap ng senador.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )
Tags: CCTV, Pangulong Duterte, Senador Trillanes