Umano’y iregularidad sa pagbili ng kagamitan sa AFP, iimbestigahan ng Senado ngayong araw

by dennis | May 6, 2015 (Wednesday) | 2626

SENATE AFP

Magsasagawa ng imbestigasyon ngayong araw ang Senate Blue Ribbon Committee,sa pangunguna ng chairman nito na si Sen.Teofisto Guingona ukol sa umano’y nangyaring iregularidad sa pagbili ng mga military equipment at weapons system ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang sa bubusisiun ng komite ang ang mga umano’y anomalya sa procurement ng mga equipment at gayundin ang mga anomalaya sa kontrata at pagbili ng defective choppers ng Department of National Defense noong 2013 para sa modernisasyon ng sandatahang lakas.

Inaasahan na darating sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Defense Undersecretary for Finance, Munitions, Installations & Materiel na si Fernando Manalo at si AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr.(Meryll Lopez/UNTV Radio)

Tags: , , , ,