Umano’y Harassment sa pamilya Veloso, iniimbestigahan ng NBI

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 5692

NBI
Isang team ng NBI agents ang ipinadala sa Cabanatuan City upang imbestigahan ang umano’y harassment sa pamilya ni Mary Jane Veloso.

Nitong linggo lamang, napaulat na may tatlong lalaki na may mga tatoo at naka shorts at sando lamang ang nagtungo sa lugar at tinatanong kung saan ang bahay ng mga Veloso.

Sakay umano ang mga lalaki ng isang motorsiklo.

Ayon kay Secretary Leila de Lima, aalamin muna ng NBI ang pagkakakilanlan ng mga lalaki at kung ano ang pakay ng mga ito.

Bago ito, dalawang van at isang motorsiklo rin ang unang napansin na umaaligid sa kanilang lugar.

Hinala ng kapatid ni Mary Jane, posibleng sindikato ang nasa likod ng pananakot sa kanila.

Una nang sinabi ng dating asawa ni Veloso na binalaan sila noon ni Maria Cristina Sergio na huwag ipaalam ang nangyari dahil manganganib sila sa sindikato.

Ayon sa kalihim, handa ang Gobyerno na bigyan ng protection ang mga Veloso sakaling ma-validate ang banta sa seguridad ng mga ito.

Tags: , ,