Umano’y harassment ng Chinese coast sa mga mangingisda sa Panatag Shoal, isang barter – Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | June 19, 2018 (Tuesday) | 5915

Hindi direktang panghaharass kundi isang simpleng barter; ito ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring umano’y harassment ng Chinese coast guard sa mga Pilipinong mangingisda sa Panatag Shoal.

Sinabi ito ng pangulo sa kaniyang pagdalo kahapon sa 120th Foundation Day ng Department of Foreign Affairs.

Ngunit binigyang-diin ni Pangulong Duterte ang polisiya ng administrasyon sa China pagdating sa usapin ng teritoryo.

Sa gitna ng kritisismo ng umano’y hindi pag-aksyon ng pamahalaan, sinabi ng pangulo na naghain ng protesta ang bansa laban sa China. Nilinaw rin ng pangulo na ang Woody Island ay hindi bahagi ng teritoryo ng bansa.

Unang naiulat na lumapag sa naturang disputed area ang bomber plane China.

Nilinaw naman ng Malakanyang na ang pahayag na ito ng pangulo ay sarili niyang paninindigan at walang impluwensya ng sinomang lider ng bansa.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,