Idininaan sa protesta ng ilang estudyante ang pagkondena sa umano’y budget cut sa ilang Universities at Colleges.
Ayon kay Kabataan Party List Rep. Teri Ridon sa kabila ng pagtaas ng 4 na porsiyento sa panukalang pondo ng State Colleges and Universities, binawasan pa ang operating budget ng 59 state schools.
Kabilang sa mga paaralan na may pinakamataas na budget cut ay ang MSU Tawi-Tawi College of Technology and Mindanao State University at Iloilo State College of Fisheries
Ipinaliwanag naman ng CHED ang P986 million peso cut para sa scholarship program.
Ang CHED ay may 2016 Proposed Budget na 10.53 billion pesos.
Mas mataas ito ng 200-porsiyento kumpara sa kasalukuyang pondo nito na P3.4 billion.
P8.3 billion dito ay nakalaan sa K-12 full implemantation transition program.
Paliwanag ni CHED Chairperson Patricia Licuanan normal ang pagbaba at pagtaas ng pondo sa mga SUC’S.
Bukas magsasagawa ng malawakang walkout ang National Union of Student sa iba’t ibang mga paaralan bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa budget cut ng 59 na State Colleges and Universities. ( Grace Casin / UNTV News )
Tags: Iloilo State College of Fisheries, Kabataan Party List Rep. Teri Ridon, Mindanao State University, MSU Tawi-Tawi College of Technology