Tiniyak ng mga otoridad na walang katotohanan at pawang pananakot lamang ang mga kumakalat ngayon na text messages tungkol sa umano’y planong pag-atake ng mga terorista kaugnay ng isasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015.
Ang pagkalat ng mga mensaheng ito ay kasunod ng madugong terror attack sa Paris, France na ikinasawi ng mahigit isandaang katao at inisugat ng nasa dalawandaang katao.
Kaugnay nito ay nanawagan sa publiko si APEC Security Task Force 2015 Chief, P/Director General Ricardo Marquez na huwag mag-panic sa gitna ng naturang mga disinformation.
“We have received reports of “scare message” circulating, warning of purported terror threats”, pahayag ni Marquez.
Ayon naman kay PNP PIO chief, C/Supt Wilben Mayor, mula nang maganap ang serye ng pambobomba sa Paris, France, wala naman silang natatanggap na anumang abiso mula sa kanilang counterparts na kasama ng mga member economies at mga delegado patungkol sa kanilang seguridad.
Tags: APEC Summit 2015