Pinabulaanan ng Bureau of Customs na papalitan na sa pwesto si Commissioner Nicanor Faeldon.
Kasunod ito ng kumalat na umano’y appointment letter para sa isang Ariel Roselle Victorino o Ariel Roa Victorino na may lagda ni Executive Sec. Salvador Medialdea.
Nagpakilala pa umano itong kamag-anak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nakatanggap rin ng reklamo ang BOC na nanghihingi umano ng pera si Victorino sa mga empleyado at brokers kapalit ng kanilang proteksyon.
Ngunit ayon sa BOC Legal Service, hindi beripikadong totoo ang naturang sulat.
Ayaw namang kumpirmahin ng Malacañang kung tunay ang nilalaman ng sulat;
Ngunit ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, si Faeldon pa rin ang pinuno ng BOC sa ngayon.
Tiniyak naman ng customs na susundin nila ang anumang utos ng pangulo.
Nagpapaalala rin ang pamaahalaan sa publiko at sa mga emplayado sa amga ahensya na makinig at maniwala lamang sa mga opisyal na pahayag ng pamahalaan upang hindi madaya dahil madami sa ngayon ang mga napapaulat na scam.
(Aiko Miguel)
Tags: bagong commissioner, beripikado, BOC, isang Ariel Victorino