Ulat sa halaga ng nagastos sa APEC, inihahanda na ng Malacanang

by Radyo La Verdad | November 25, 2015 (Wednesday) | 8810

COLOMA
Patuloy pang kinakalap ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC National Organizing Committee ang mga ulat ng nagastos mula sa mga agensyang may kinalaman sa pag-organize sa kabuuan ng APEC Summit.

Ito ay dahil na rin sa kahilingan ni Sen. Francis Escudero na ilabas ang breakdown ng halagang nagastos sa katatapos na APEC.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. , kailangan pa aniyang ma-liquidate ang lahat ng expenses ayon sa Regulasyon ng Commission on Audit o COA bago mailabas sa publiko.

“APEC national organizing committee is presently collating reports from all concerned agencies that are also required to liquidate all expenses in accordance with COA regulations.” Pahayag ni Coloma.

Nauna nang ipinangako ng Malacanang na bawat pisong ginastos mula sa P10 billion na pondo ng APEC ay gagawan ng ulat dahil wala naman anilang ginastos ang gobyerno na hindi ipinapakita sa taumbayan.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,