Ulat ng PSA na bumaba ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino, hindi makatotohanan – Ibon foundation

by Erika Endraca | April 12, 2019 (Friday) | 15366

Courtesy: Ninamiano.blogspot

Manila, Philippines – Tutol ang Ibon Foundation sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority  o PSA na bumaba ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.

“Maraming ano ng pagiging unrealistic nya una nalang itinatago niya yung totoong bilang ng mga mamayan na hindi sumasapat yunh kanilang kinikita sa pangaraw araw” pahayag ni Ibon Foundation Executive Director Rosario Bella Guzman

Batay sa pinakahuling pag-aaral na inilabas ng psa, bumaba sa 21 percent ang poverty incidence sa Pilipinas sa first quarter ng 2018.

Mababa ito kung ikukumpara sa 27.6 percent sa kaparehong panahon noong 2015.

Sa pag-aaral ng PSA sinasabing sapat na ang sweldong 10,480 pesos para sa isang pamilya na may 5 miyembro upang masabi na hindi sila mahirap.

Pero hindi sang-ayon ang ibon foundation, dahil kwestionable para sa kanila ang naging batayan ng pag-aaral ng PSA.

 “Ang baba naman non para sabihin na sapat na yun para sabihing hindi tayo mahirap mababang antas ng kahirapan,mababang incidence ng kahirapan therefore mababang effort mula sa gobyerno para sa poverty kaya ang tingin namin parang wala na yatang plano yung ating pamahalaan na medyo taasan naman niya yung kanyang pagsusumikap para iangat ang karamihan sa atin mula sa kahirapan” ani Ibon Foundation Executive Director Rosario Bella GuzmanL.

Kung ang ibon foundation ang tatanungin, nasa twenty nine thousand four hundred seventy pesos o one hundred ninety five pesos kada indibidwal ang dapat na kinikita ng isang pamilya may limang miyembro upang masabi na hindi sila mahirap.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: ,