Ulat na nasawi na ang BIFF founder na si Umbra Kato, kinukumpirma pa ng AFP

by Radyo La Verdad | April 14, 2015 (Tuesday) | 1290

AFP-Spokesperson-Brigadier-General-Joselito-Kakilala-Jr.

Kinakailangan pang i-validate o dumaan sa masusing kumpirmasyon bagaman nakatanggap na ng ulat ang AFP sa nasawi na ang founder ng teroristang grupong BIFF na si Ameril Umbra alyas Umbra Kato dahil sa atake sa puso.

Ito ang pahayag ni AFP Spokesperson Brigadier General Joselito Kakilala Jr. sa UNTV news team.

Ayon naman sa mga nakalipas na pahayag ng AFP, noon pa man ay hirap na sa kaniyang kalusugan si Kato dahil sa mild strokes na sinapit nito.

Si Umbra Kato ang nanguna sa grupong humiwalay sa MILF noong 2008 at tinawag na itong BIFF.

Isa rin siya itinuturing ng PNP na top most wanted persons sa bansa at may 10 milyong pisong halagang reward sa sinomang makakapagsuplong sa kaniya sa mga otoridad.

Nanguna siya sa mga kaguluhan sa North Cotabato noong 2007 hanggang 2008 dahilan upang masawi at masaktan ang ilang mga sundalo at MILF members at mawalan naman ng tirahan ang libo-libong mga residente duon.(Rosalie Coz,UNTV Correspondent)