Hindi ikinabahala ng Malacañang ang ulat na may itinayong mga weather station ang China sa ilang artificial island sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinakailangan munang makumpirma ang naturang ulat.
Una nang kinumpirma ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang noong nakalipas na linggo na sinimulan na ng China ang operation nito ng isang maritime observation center, isang meteorologoical observatory, national environmental at air quality monitoring station sa reefs ng Nansha Islands.
Partikular na sa Fiery Cross, Subi at Mischief Reefs na inaangkin din ng Pilipinas.
Layon umano ng mga proyektong ito na paigtingin ang civil services sa pamamagitan ng pagbibigay ng maritime warning, tsunami forecast at iba pang disaster prevention at relief.
Giit naman ng Duterte administration, sakaling mapatunayan ang mga bagong istrukturang itinayo ng China sa naturang mga man-made island, gagawin ng pamahalaan ang karampatang hakbang ukol dito.
Tags: China, Malacañang, South China Sea