Ulat na magbibitiw sa pwesto ang Pangalawang Pangulo, fake news – VP Robredo

by Radyo La Verdad | May 27, 2019 (Monday) | 6014
Photo: VP Leni Robredo FB page

METRO MANILA, Philippines – Tinawag ni Vice President Leni Robredo na fake news ang kumakalat na balita sa social media na magbibitiw umano siya sa pwesto kapag walang miyembro sa otso diretso ang mananalo sa senatorial race.

Sa facebook post ng Pangalawang Pangulo, pinabulaanan niya ang isyu kasabay ng panawagang labanan ang fake news.

Sa katatapos lang na bilangan ng boto sa 2019 midterm elections, walang sinuman sa mga kandidato ng oposisyon ang nanalo sa karera sa pagka-senador.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,