Ulat na isa ang Manila sa pinaka-mapanganib na lugar sa buong mundo, isinantabi ng Malacañang

by Radyo La Verdad | July 21, 2017 (Friday) | 7258


Hindi dapat ipag-alala ng publiko ang lumabas na ulat sa isang Foreign News Agency na ibinibilang ang Manila bilang isa sa mga pinakadelikadong lugar sa buong mundo ayon sa Malakanyang.

Batay sa lathala, mistulang isang Slaughterhouse at laganap ang patayan dahil umano sa extrajudicial killings sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ni hindi nagawi ang mga may-akda nito sa Pilipinas.

Hinamon niya rin ang mga itong magtungo rito upang malaman kung ano ang tunay na kalagayan sa bansa.

Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aurora Ignacio, ang Assistant Secretary for Special Project sa ilalim ng Office of the President bilang focal person na tatanggap ng mga inquiries at clarifications sa mga nais magbigay ng kanilang ayuda sa anti-drug campaign ng administrasyon.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,