Ulan na dala ni bagyong lando hindi pa rin sapat upang matugunan ang kakulangan sa supply ng tubig sa Metro Manila sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | October 20, 2015 (Tuesday) | 3239

MAYNILAD
Mahigit pitong metro ang itinaas ng water level sa angat dam noong nakaraang linggo at lunes dahil sa ibinuhos na ulan ng bagyong lando.

Ayon sa National Water Resources Board, sapat lamang ito upang maitawid ang pangangailangan ng Metro Manila sa loob ng isang buwan.

Kahit na mahigit pitong metro ang itinaas ng water level sa angat kulang pa rin ito upang mapaglaban ng metro manila ang el nino sa susunod na taon.

Isang bagyong katulad pa ni lando ang kailangan upang matugunan ang napipintong water shortage sa susunod na taon sa metro manila

Ayon sa NWRB, sa ngayon ay nasa 203 meters ang water level sa Angat dam, kung bago matapos ang taon ay aabot ito sa 210 hanggang 212, hindi na kailangang magpatupad ng water interruption hanggang sa susunod na taon

Sa ngayon ay nasa 36 cubic meter per second pa rin ang alokasyon na pinayagan ng NWRB para sa Maynilad at Manila Water

Maaaring madagdagan ito ng 2 hanggang 3 cms, subalit malabo na maibalik ito sa normal allocation na 43 cms.

Ang Manila Water, walang binago sa kanilang pagbabawas ng pressure sa supply ng tubig, hihintayin nila ang gagawing pag-aaral ng NWRB bago ibalik sa normal ang water pressure sa mga sineserbisyuhang lugar.

Ang Maynilad, itinigil na ang water interruption mula 9pm to 4am, bagamat kailangan pa ring magtipid sa tubig .

Ayon sa Maynilad kailangan itong gawin dahil umapaw na ang tubig sa Ipo Dam at masasayang lamang kung hindi gagamitin

Nais ng Maynilad na hanggang Disyembre ay huwag nang magpatupad ng water interruption, subalit depende pa rin ito sa mga mangyayari sa mga darating na araw

Nakiusap ang NWRB na sana ay ipagpatuloy pa rin ang mga hakbangin na ginagawa ng Manila Water at Maynilad upang matipid ang tubig sa angat dam dahil nandyan pa rin ang banta ng el nino sa bansa. ( Mon Jocson / UNTV News )

Tags: