UK variant, pinag-aaralan pa rin kaya hindi pa opisyal na masasabing mas nakamamatay – Experts

by Erika Endraca | January 25, 2021 (Monday) | 1655

METRO MANILA – Mas nakamamatay umano ang UK variant batay sa lumabas na ulat sa United Kingdom noong Biyernes. (Jan 22).

Ayon kay UK Prime Minister Boris Johnson at sa UK Chief Government Scientist, posibleng 30 hanggang 40% na mas nakamamatay ang b.1.1.7 o uk variant sa ilang age groups

Ayon naman sa mga eksperto sa Pilipinas, maaga pa para sabihing mas nakamamatay nga ang bagong variant .

“The data from the UK about the potentially increase deadliness of the virus is very preliminary. The original data wala po kasing evidence na its deadlier pero may mga karagdagang pag-aaral na ginawa sila that suggest na baka maybe 30 percent more deadly. Pinag-aaralan pa po ito. Hindi pa final” ani DOH Technical Advisory Group Member, Dr. Edsel Salvana.

Ayon pa kay Dr Ana Ong- Lim, Infectious Disease Expert at miyembro ng technical working group na tumututok sa mga Covid-19 variants

Talagang mas nakakahawa ang UKvariant at maaaring ito ang dahilan kaya ang mga vulnerable sa sakit ay nakararanas ng kumplikasyon dahilan upang maging severe ang kondisyon at kalauna’y mamatay

“When we talk about virus being deadly, it is not necessary the virus itself but the impact it has on the actual numbers. Dahil alam na natin na mas nakakahawa sya, expect na natin na mas malaking proportion ng population ang magkakaroon ng sakit and doon sa dami ng magkakasakit, maaring mas marami din doon yung mga matatatanda o meron ng ibang sakit na syempre mas magiging lantad doon sa poor outcomes.” ani PIDSP President, Dr Anna Lisa Ong- Lim.

Payo ng mga eksperto, upang hindi mahawa sa anomang variant ng Covid-19, manataling sumunod sa minimum public health standards .

Kaaagad ding mag- isolate at kumonsulta sa doktor kapag nakaras ng anomang sintomas ng Covid-19.

Samantala, nakikipag- ugnayan na ang US centers for disease control and prevention sa UK health officials upang mapag-aralan ang hawak nilang datos at makita kung mas nakamamatay nga ba ang UK variant ng Covid-19.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,