Aprubado na ng British Parliament ang pagsasagawa ng air strike sa Islamic State targets sa Syria.
Nag-take off mula sa royal air force base sa Cyprus ang mga fighter jets ng United Kingdom nitong umaga matapos ang isinagawang botohan ng british parliament.
Gayunpaman, hindi inihayag ang eksaktong destinasyon ng mga jet fighter.
397 kontra sa -223 ang kinalabasan ng botohan na pinangunahan ni British Prime Minister David Cameron.
Ayon sa prime minister, hindi maaring hintayin na lang ng gran britanya na atakehin ng ISIS sa halip dapat tumulong ang bansa para puksain ang ISIS.
Kasunod ito ng kahilingan ng France na paigtingin ang kampanya laban sa Jihadist Group matapos ang terror attack sa Paris na ikinasawi ng 130 katao.
Tags: air strike, British Parliament, British Prime Minister David Cameron, Islamic State