18 patay, 40 sugatan sa pagatake ng Islamic State sa Iraq

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 1863
Baghdad, Iraq(REUTERS)

Baghdad, Iraq(REUTERS)

Labing walo ang nasawi at apatnapu ang nasugatan sa pag-atake ng Islamic State Militant sa Baghdad, Iraq.

Pinasabog ng mga militante ang isang sasakyan at saka namaril at pinasabog ang kanilang suicide vest sa loob ng isang shopping complex kahapon.

Samantala, dalawang bomba naman ang sumabog sa Mugdadiya na ikinasawi ng mahigit dalawampu samantalang pito sa pagsabog naman sa Southeastern Baghdad.

Nasa control ng Islamic State ang hilaga at kanlurang bahagi ng Iraq at sinasabing ang target ng pag-atake ay ang mga Shi’ite Muslim sa lugar.

Dalawang pulis naman ang kasamang nasawi sa isa pang car bomb blast sa Jawaher Mall sa distrito ng Jadida Sa Baghdad.

Tags: , , ,