Isang Letter of Intent ang nilagdaan ngayong araw sa pagitan ng Department of Transportation at ng German Federal Ministry of Transport and Digital Infrastructure na layong patatagin ang magandang relasyon ng Pilipinas at ng Germany.
Nakapaloob sa kasunduan ang pagpapalakas ng martime transportation, kung saan bubuo ang mga ito ng mga programa na layong mas maisaayos ang sitwasyon sa mga pantalan.
Kasama rin dito ang pagpapaibayo sa mga maritime equipment ng Pilipinas at .
ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa usapin ng negosyo at kalakalan sa pamamagitan ng maritime transport.
Bahagi rin nito ang pagsasagawa ng mga research training at staff development sa sektor ng Maritime Industry.
Noong Marso, nakipagpulong sa ilang businessman sa Germany si Secretary Arthur Tugade, upang kumuha ng mga ideya at manghikayat ng foreign investors para maisaayos ang sistema ng transportasyon at traffic management scheme sa Pilipinas.
Isa ang Germany, sa mga bansa sa buong mundo na may maunlad na sistema ng public transporation.
Matapos ang naging pirmahan kanina, muling nagsagawa ng bilateral meeting ang mga opsiyal ng DOTr at mga delegado ng ministry of transportation ng Germany, para sa iba pang mga detalye ng mga proyekto at programang bubuuin ng mga ito.
(Joan Nano / UNTV News Correspondent)