Ugnayan ng mga Pilipino sa Europe, pina-iigting sa pamamagitan ng European Network of Filipino Diaspora

by Radyo La Verdad | October 26, 2018 (Friday) | 3139

Mahigit 16 na kinatawan ng bawat bansa at 91 delegado sa Europa ang lumahok sa ginanap na European Network of Filipino Diaspora (ENFID) 2018 Conference sa Paris, France mula ika-19 hanggang ika-22 ng Oktubre.

Layunin ng grupo na magkaisa at makatulong sa mga overseas Filipino workers, lalo na sa mga senior ENFID, makapagbigay ng malawak na kaalaman sa mga kabataan hinggil sa kaugalian, sining, kultura at environmental projects.

Dahil sa mahigit 10 milyon ang mga overseas Filipinos sa buong mundo at mahigit 866,187 ang estimated na Filipino sa buong Europa, suportado ng pamahalaan ang layunin ng ENFID.

Anila, isang paraan ito upang matulungan ang mga Pilipino sa Europa.

Ayon naman kay Christian Estrada, vice chair ng ENFID at recipient of the 2018 British Community Honours Awards, patuloy naman ang paglago ng ENFID organization sa iba’t-ibang parte ng mundo tulad ng Amerika at Middle East.

Sumuporta naman sa event ang international artist na si Tommy Aquino na tinaguriang “ Picasso of Vienna” at mag-amang visual artists na sina Dale at Aris Bagtad na nagpakita ng kanilang art demo.

 

( Jhun Garin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,