Ugnayan ng China at Pilipinas, naging pinakakontrobersyal sa termino ng nakalipas na 4 na Pangulo

by Radyo La Verdad | November 20, 2018 (Tuesday) | 2926

Taong 1593 nang maitatag ang pinakalumang Chinatown sa buong mundo na mas kilala sa tawag na ‘Binondo’.

Dito, may samu’t-saring tatak ng matagal nang pagkakaibigan ng China at Pilipinas ang makikita mula sa pagkain, lucky charms at herbal medicines na dala ng banyagang impluwensya.

Ngunit Hunyo 1975 ng opisyal na magsimula ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas na bumuo ng mga kasunduang pang-seguridad, politikal, pamumuhunan, agrikultura at turismo.

Pero ang pakikipag-ugnayan sa China, nabalot ng kontrobersiya sa nakalipas na mga administrasyon.

Tinaguriang ‘The golden age of Phl-China relations’ naman ang panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang magtuloy-tuloy ang pagselyo sa mga proyekto mga China.

tulad ng China North Rail Project, TransCo project at ang isa sa pinaka-kontrobersiyal na kasunduan na naglagay ng lamat sa tiwala ng mga mamamayan kay dating Pangulong Gloria Arroyo na NBN-ZTE deal scandal.

Ngunit matapos ang termino ni Arroyo, muli na namang nanlamig ang pakikitungo ng China sa ilalim ng termino ni Pangulong Benigno Aquino III.

Lalo pa’t nang iakyat na sa “The Hague” ang usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Pagpasok ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging palakaibigang muli ang China dahil sa pagpasok sa multi-bilyong pisong kasunduan sa imprastraktura at pamumuhunan.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,