Ugnayan ng Canada at Pilipinas posibleng magkalamat dahil sa “Canadian Trash”

by Erika Endraca | April 30, 2019 (Tuesday) | 42712

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na hindi giyera kundi lamat sa ugnayan ang posibleng mangyari sa pagitan ng Canada at Pilipinas dahil sa Canadian trash.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, figure of speech lang ang bantang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng giyera laban sa Canada kung hindi kukunin ang tone-toneladang basura na ipinasok sa bansa galing Canada.

Dagdag pa ng palasyo, dapat kunin na ng Canada sa lalong madaling panahon ang naturang mga basura na apat na taon nang nasa bansa.

Ipinagtanggol naman ng opisyal si Pangulong Duterte at sinabing nagalit na ang punong ehekutibo dahil sa kawalan ng aksyon ngCanadian government sa naturang isyu.

Tumugon na ang Canada sa mga binitiwang pahayag ni Pangulong Duterte at batay sa ulat gumagawa na ito ng paraan upang maresolba ang problema.

“No, bakit naman irresponsible eh apat na taon mong tinapon ‘yung basura sa bansa natin, hindi ka mag-sasalita ng ganoon? That’s an expression of outrage, couched in a very strong term. (What if Canada fails? Bakit naman hindi magagawa? Eh kung may instruction siya. The instruction is kunin nila. Kung hindi niyo kukunin, kami ang magbabalik sa inyo.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,