Udenna Corp-China Telecom, hinirang na provisional third telco ng NTC

by Radyo La Verdad | November 8, 2018 (Thursday) | 2164

Dineklara bilang provisional third telco ng bansa ang grupo ni Davao Businessman Dennis Uy at kasosyo nito na China Telecom sa ginawang selection process kahapon sa National Telecommunication Commission (NTC).

Ito ay matapos pumasa sa pagsusuri ng selection committee ang naturang grupo at madiskwalipika naman ang Sear Telecom ni former Governor Luis Chavit Singson at local telco na Pt&T.

Hindi pumasa ang Sear Telecom dahil hindi ito nakapagpakita ng tinatawag na letter of credit.

Pero ayon sa komite, bibigyan nito ng pagkakataon na makapag-apila ang dalawang telco.

Diskwalipikado rin ang PT&T dahil sa nabigo itong ipakita ang certificate of technical capability na mula sa NTC.

Ngunit depensa ng NTC, na-release na nila ito noon pa. Hihintayin ng NTC kung ano ang magiging tugon ng korte sa apila ng dalawang telco bago magdeklara ng magiging totoong bagong telco player sa bansa.

Samantala, sasampahan naman umano ng kaso ng Sear Telecom ang Udenna Corporation dahil sa iligal na paggamit nito ng prangkisa.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,