Uber, binawalan ng LTFRB na magpatupad ng surcharge sa ilang lugar sa Metro Manila

by Radyo La Verdad | September 28, 2017 (Thursday) | 3135

Pinagbawalan  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Uber  na maningil  ng surcharge  sa ilang lugar sa  Metro Manila tuwing peak hours.

Ang surcharge ay patong sa  singil sa pamasahe   kapag  peak hours kung saan marami ang nag-bo book n a pasahero..

Ang mga lugar na sisingil ng surcharge ang  Uber ay kung dadaan sa   Skyway , Magallanes  C-5 at papalabas ng Bicutan o Sucat sa Paranaque, Alabang , Filinvest at Susana Heights.

Pinagsusumite  ng LTFRB ang Uber  ng position paper para sa deliberasyon.

 

 

Tags: , ,