Uber, accredited na ng LTFRB bilang Transport Network Company

by Radyo La Verdad | August 19, 2015 (Wednesday) | 1415

UBER
Isang araw bago ang deadline, inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang aplikasyon ng Uber bilang isang Transport Network Company o TNC.

Sa ngayon, dalawang Transport Network Company lamang ang legal na makakapag operate sa bansa, ang grab at Uber

Ang ibang TNC, gaya ng tripda at U-Hop ay maituturing pa ring colorum hangga’t hindi na-aaprubahanang application ng LTFRB

Kahit holiday ngayong araw sa Quezon City ay tuloy ang pagpo-proseso ng LTFRB ng mga aplikasyon ng prangkisa ng mga Transport Network Vehicle o TNV

Lahat ng mga franchise application ay mula sa Grab Car lamang at wala pa kahit isa mula sa Uber

Aabutin ng tatlong araw ang proseso bago ma i-isyu sa mga TNV ang kanilang prangkisa

Subalit hindi ito nangangahulugan na hindi sila makakapag operate, habang wala ang prangkisa pwede magamit ng mga TNV ang provisional authority na ibibigay ng LTFRB

Sa biyernes uumpisahan na ng LTFRB ang panghuhuli sa mga TNV na nag-ooperate ng walang prangkisa

Kabado ang ilang Uber driver dahil wala pang abiso sa kanila kung maari pa silang maka-biyahe.

Sa mga sasakay ng Uber o grab, kailangan lamang i -download sa smartphone ang application, ilagay ang mga hiniginging detalye at impormasyon at maaari ng mag book ng sasakyan.

Hindi naman magdadalawang isip ang LTFRB na kanselahin ang accreditation ng Uber at grab kung mapapatunayang may problema sa mga driver nito

Sa ngayon, hindi regulated ng LTFRB ang halaga ng pasahe sa mga TNC, makikialam lamang ang LTFRB kung may magrereklamo mula sa mga pasahero. ( Mon Jocson / UNTV News)

Tags: ,