U-S military assets at mga sundalo, ide-deploy sa mga istratehikong lugar sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | February 5, 2016 (Friday) | 1632

ARA_US-ASSETS
Ilalagay sa mga istratehikong lugar sa Pilipinas ang U-S military assets at troops para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, nais ng Amerika na manatili ang kanilang mga militar at kagamitan sa Lumbia Airfield, Palawan, Fort Magsaysay, Basa Airbase, at ilang military camps sa Cebu.

Sinabi ni Gazmin na ang mga Philippine Military Camps na pipiliin ay ang mga nasa strategic places gaya ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Basa Airbase sa Pampanga at ang kampo sa Palawan na nagbabantay ng teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Malaking tulong din ito sa panahon ng kalamidad kung magiging accessible para sa Philippine government ang Humanitarian Assistance and Disaster Response facilities ng Amerika.

Nilinaw naman ng AFP na hindi permanente ang paglalagay ng pasilidad gayun din ang deployment ng mga Amerikanong sundalo sa mga lugar o kampo na pahihintulutan ng pamahalaan ng Pilipinas.

(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,