U.S. Gov’t, wala pang natatanggap na pormal na abiso mula sa Pilipinas ukol sa pagpapatigil ng military exercises

by Radyo La Verdad | October 27, 2016 (Thursday) | 956
White House Press Secretary Josh Ernest
White House Press Secretary Josh Ernest

Kinumpirma ni White House Press Secretary Josh Ernest na wala pang nakakarating sa kanila na formal communication mula sa Pilipinas kaugnay ng pagbabago sa polisiya sa alliance at ugnayan ng dalawang bansa.

Kahapon, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine-Japan Business Forum na sa susunod ng dalawang taon, nais niyang mawala ang presensya ng foreign military troops sa bansa;

At planong baguhin o ipawalang bisa ang executive agreements hinggil sa military alliance ng Pilipinas at Amerika katulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Taunang isinasagawa ang balikatan o shoulder-to-shoulder military exercises ng Pilipinas at Amerika at ngayong linggo sana magpulong ng dalawang panig kaugnay dito ngunit ipinagpaliban sa Nobyembre.

Aminado naman ang pamahalaan ng Amerika na nagbunga ng pag-aalangan sa tunay na kalagayan ng ugnayan ng Amerika at Pilipinas ang mga pahayag ni Pangulong Duterte.

Gayunpaman, ayon kay Ernest, ang mga pahayag ni Pangulong Duterte ay hindi naglalarawan sa malalim na cultural ties ng dalawang bansa.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: , ,