U.S. citizens, pinayuhang iwasang bumiyahe sa Pilipinas dahil sa high-level ng COVID-19

by Radyo La Verdad | April 22, 2021 (Thursday) | 830

Mula level 3 o high, itinaas na sa level 4 o very high-level ng COVID-19 ang kategorya ng Pilipinas sa travel health notices ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention. Ibig sabihin, may babala ang pamahalaan ng Estados Unidos sa mga mamamayan nito na  iwasan ang pagbiyahe ng Pilipinas dahil sa matinding COVID-19 situation.

Nakasaad rin sa advisory na kahit ang mga fully vaccinated travelers ay may peligrong mahawa pa rin at makapagkalat ng COVID-19 variants.

Kung hindi naman maiiwasang magbiyahe, dapat ay bakunado na laban sa COVID-19 bago magtungo sa Pilipinas.

Dapat ding magsuot ng face mask ang travelers, manatiling naka-social distancing, iwasan ang matataong lugar at palagiang maghugas ng kamay.

Kamakailan, sinabi ng U.S. State Department na paiigtingin ng bansa ang do not travel guidance nito sa tinatayang walumpung porsyento ng mga bansa sa buong mundo o level 4-do not travel advisory dahil sa COVID-19 pandemic.

As of April 20, 2021, higit isang daang bansa sa buong mundo ang nailagay sa level 4 o do not travel advisory ng U.S. State Department kabilang na ang Pilipinas at mga kalapit bansang Malaysia, Indonesia, Cambodia at Mmyanmar.

Rosalie Coz | UNTV News