Typhoon Queenie, napanatili ang lakas

by Radyo La Verdad | October 3, 2018 (Wednesday) | 5727

Hindi pa rin humihina ang Bagyong Queenie.

Namataan ito ng PAGASA kaninang 4am sa layong 875km sa silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 200km/h at pagbugso na aabot sa 245km/h. Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20km/h.

Base sa forecast ng PAGASA, hindi na tatama o maglalandfall ang bagyo sa bansa, subalit apektado ng trough o extension ng ulap nito ang Central at Eastern Visayas.

Gayundin ang northern Mindanao at Caraga Region. Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang mga nasabing lugar.

Good weather naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa subalit may posibilidad ng papulo-pulong pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Posibleng sa Biyernes ay lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Queenie.

Tags: , ,