Kapwa naitala ng two time champions Judiciary Magis at AFP Cavaliers ang kanilang unang panalo sa UNTV CUP Season 6 sa double header kahapon na ginanap sa Pasig City, Sports Center.
Sa first game, tinambakan ng trentay nuebe puntos ng Judiciary ang Ombudsman Graft Busters, 115 – 76.
Nanguna sa Magis sina Season 5 most valuable player checter “The Elevator” Tolomia na may 20 points at 6 rebounds at si Julius Rabino na may 19 points at dalawang rebounds.
Sa second game, mas mabilis at agressibong AFP Cavaliers naman ang bumulaga sa GSIS Furies.
Agad nagpaputok ng tatlong three point shot si Season 4 finals MVP Boyet Bautista upang ilista ang trese puntos na abante sa first quarter , 34 – 21.
Napanatili ng Cavaliers ang 13 point advantage sa second quarter , 55 – 42.
Lumobo pa sa deisi otso puntos ang abante ng SFP sa third quarter, 87 – 69.
Naitala ng Cavaliers ang beinte uno puntos na kalamangan sa last quarter , ngunit hindi bumigay ang GSIS Fuires at talong beses pa itong naibaba sa siyam na puntos at naibaba pa sa seven points bago sumapit ang last 2 minutes ng ball game.
Agad bumuwelta ang mga sundalo at hindi na pinayagang maibaba pa ng GSIS ang kanilang abante at tinapos ang laban sa score na 103 – 95.
Tumikada si Boyet Bautista ng 23 points , pito mula sa three point area , five rebounds at tig isang assist at steal.
Nag ambag naman ang rokiie player na si Romeo Almerol ng 19 points at 8 at 2 steals kaya tinanghal na best players of the game.
Bukod kay Almerol , malaking tulong din ang isa pang rookie player na si Julius Lumongsod na may 11 points at tig limang rebounds at assist.
Aminado si GSIS headcoach Myk Saguitguit na nahirapan sila sa AFP dahil siyam lang mula sa labing players nya ang nakarating upang maglaro.
( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )