Pursigido ang two time champion AFP Cavaliers na maitala ang ika-lima nilang panalo sa pagtatapos ng first round eliminations ng UNTV Cup Season 6 sa darating na Linggo.
Makakasagupa ng Cavaliers ang DOH Health Achievers sa third game ala singko y medya ng hapon sa Olivarez Gymnasium sa Paranaque City.
Target ng AFP na umagapay sa Senate Defenders na may 5- 1 win loss record na nasa itaas ng Group A.
Ang AFP ay kagagaling lamang sa impresibong panalo kontra defending champion PNP Responders noong November 30 sa score na 100 – 92, ito ay matapos patikimin sila ng unang pagkatalo ngayong season ng BFP Firefighters noong November 12 sa score na 97 – 104.
Samantala, nakasalalay naman ang kapalaran ng Rookie Team DA Food Masters at PDEA Drug Busters na makaabante sasecond round eliminations ng liga ng public servants sa nalalapit na bakbakan ng DOJ Justice Boosters at Ombudsman Graft busters sa first game sa linggo alas dos ng hapon.
Sa pitong koponan sa Group B, siguradong pasok na sa ikalawang round ang Judiciary Magis, Malacañan – PSC Kamao at NHA Builders na kapwa may tig limang panalo at isang talo.
Habang tatlo naman ang magpapa-alam na sa liga, ito ay ang Ombudsman at DOJ Justice Boosters. Ang PDEA at DA naman na kapwa may 2 – 4 win loss record ay naka antabay sa resulta ng sagupaan ng DOJ at Ombudsman.
Sakaling manalo ang DOJ sa Ombudsman, magkakaroon ng triple tie ang DOJ, PDEA at DA. Batay sa rules ng UNTV Cup point system, ang PDEA ang aakyat sa second round at magpapa alam na sa liga ang DA.
Kapag nanalo natalo naman ang DOJ sa Ombudsman, ang DA naman ang aabante sa second round batay sa win over the other rule dahil tinalo ng da ang pdea noong September 17 sa sore na 104 – 100.
( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )
Tags: AFP Cavaliers, Senate Defenders, UNTV CUP 6