Sinalakay ng mga nakamotorsiklong lalaki ang isang television station sa Pakistan.
Sa cctv footage makikita ang dalawang lalake na nakasakay ng motorisiklo na tumigil sa sa tapat ng Ary News na nakabase sa Islamabad.
Ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay naghagis na ng granada sa harapan ng gusali.
Tinaman ng shrapnel ng granda sa ulo ang isang editor ng tv station na kaagad na dinala sa ospital.
Ayon sa ulat ng Ary nagiwan ng kalatas ang mga suspek na nagsasabing miyembro sila ng islamic state.
Noong Disyembre nang nakaraang taon inatake rin ng mga nagpapakilalang miyembro ng ISIS ang din news sa Lahore na ikinasugat ng apat na tao.
Tags: 1 sugatan, granada, ISIS, Pakistan, Tv station