Turuan at sisihan sa pagtatayo ng 49 palapag na Torre de Manila, nagpapatuloy

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 1171

MAYOR ESTRADA
Batay sa building permit na inisyu ng Manila City Government sa DMCI Project Developers Incorporated noong July 5, 2012 pinapahintulutan ang kumpanya na magtayo ng 49 storey condominium sa may Taft Avenue, Ermita, Manila.

Pirmado ang dokumento ni Melvin Balagot, ang City Building Official sa panahon ni dating Manila Mayor Alfredo Lim.

June 19, 2012 nabigyan ng zoning permit ang DMCI para sa Torre de Manila project.

Kaya giit ni Mayor Joseph Estrada, walang katotohanan ang sinasabi ni Lim na walang 20 palapag ang taas na inaprubahan ng itatayong building noong siya pa ang mayor ng Maynila.

Paliwanag naman ng Manila City Government napagbigyan ang apela ng kumpanya dahil hindi nakatayo sa isang Heritage site ang gusali at may nauna nang posisyon ang National Historical Commission of the Philippines na labas na sa boundary ng Rizal Park ang pagtatayuang lugar ng Torre de Manila at hindi naman ito makakasira sa front view ng monumento ni Dr. Jose Rizal.

Tags: ,