Turismo sa Albay, apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

by Radyo La Verdad | January 26, 2018 (Friday) | 4074

Dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, apektado na ang turismo sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa datos ng Department of Tourism Region 5, as of January 13-24 ay mayroong 280 local tourists, 11 Australians, 21 Americans, 5 Germans, 12 Swiss, 2 Chinese, 4 Indians, 2 Indonesians at 5 na iba pang hindi matukoy na nationalities na namamalagi sa mga hotel sa Albay.

Mas kakaunti umano ito kaysa sa mga nakaraang panahon na tumataas ang aktibidad ng Mayon dahil dumadagsa rin ang mga turista na nais makakita ng natural phenomenon.

Ayon pa sa DOT, malaki rin ang epekto ng pagkakansela ng mga byahe ng mga airline company sa pagpasok ng mga negosyante at turista sa lalawigan.

Ang mga pamilyang nakita sa Cagsawa Ruins ang nagsabi na sinasamantala nila ang pagkakataon upang makunan ng litrato ang Mayon.

Samantala, apektado rin ang mga negosyo dahil sa aktibidad ng bulkan, ang sales ng ilang tindahan tulad na lamang ng souvenir shops, malaki na ang ibinaba.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang sarado pa rin ang Legazpi Airport dahil sa sitwasyon at aktibidad ng Mayon ngunit hinihikayat pa rin ng DOT ang mga lokal at banyagang turista na bumisita sa ilang tourists spots sa Bicol region tulad ng donsol para sa mga butanding, Cagsawa Ruins at mga beach sa Calaguas.

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,