Isinailalim na ng Secretariat of Risk Management sa orange alert ang mga lugar sa paligid ng Tungurahua Volcano.
Matapos itong sumabog noong linggo at ilang beses na nagbuga ng usok at abo na umabot ng 4, 000 metro ang taas.
Ayon sa Ecuador Geophysical Institute tuloy-tuloy ang naging pagsabog sa loob ng 24 na oras.
Mayroong 84 na bulkan sa Ecuador, 24 dito ay nasa ilalim ng erupting, active at potentially active classification.
(UNTV NEWS)
Tags: Ecuador, Tungurahua Volcano