METRO MANILA – Binigyang diin ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagpapalawig at pagpapaigting ng mga estratihiya upang mapigilan ang naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kabilang na ang Metro Manila.
Ayon kay Secretary Duque, tumaas ng 47% ang naitalang COVID-19 case sa National Capital Region nitong nakaraang Linggo.
Kaya naman muling nananawagan ang DOH sa mga LGU na paigtingin pa ang implementasyon ng PDITR plus strategy o ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment , Reintegration and Vaccination.
Ngayong unti-unti nang nagtutuloy-tuloy ang pagdating ng suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa… Mahigpit ang bilin ng DOH sa mga LGU na bilisan pa ang ginagawang pagbabakuna upang maagapan ang Delta variant.
Kaugnay nito, inirerekomenda ng Octa Research Group ang maingat at maagap na pagpapatupad ng lockdown sa mga lugar na may tumataas na kaso ng COVID.
Ito ay upang agad na mapigil ang posibilidad na kumalat pa ang hawaan ng sakit sa iba pang mga lugar.
“We should adapt what Australia ang New Zealand are doing now which is basically go early and go hard, ulitin ko po go early and go hard. Ibig sabihin meron tayong anticipatory, preventive, circuit-breaking lockdowns na ang tingin namin kung gagawin natin to over the next two weeks hindi lang natin mapapababa yung kaso, hindi lang natin mapapababa yung mahahawa at mamamatay masave pa natin economy kase napaka-ikli ng lockdown na gagawin natin “ ani Octa Research Group Fellow, Prof. Ranjit Rye .
“Tama naman ‘yun, sinasang-ayunan natin itong rekumendasyon ng octa kaya walang tigil ang ating pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaang lokal dahil sila naman ang on the ground implementing units para sa ating pditr plus strategy” ani DOH Sec. Francisco Duque III .
Samantala, batay sa bagong projection ng octa team, posibleng mahirapan ang pilipinas na maabot ang target na mabakunahan ang nasa 40 to 50% ng mga Pilipino bago pa lumala ang delta variant sa bansa.
“Yung 40-50% baka hindi pa yan kakayanin within the next month most likely by agound september to october na mababakunahn yan pero itong delta variant sa nakikita natin may pagtaas na ng cases mukhang mauuna yung Delta variant pero di naman ibig sabihin mananalo yung delta variant against uswe must try to have this victory” ani Octa Research Group Fellow, Dr. Guido David.
Ayon sa Octa, mayroon nang surge ng COVID-19 sa NCR dahil sa tumaas pa sa 1.33 ang ang reproduction rate kumpara sa 1.21 lamang noong nakaraang Linggo.
Kaya naman sa mga nakalipas na araw ay muling umaabot sa average na 6,000 na mga bagong ng kaso ng COVID-19 ang naitatala ng DOH.
(Marvin Calas | UNTV news)