Tumagas na tubo ng underground LPG tank, dahilan ng sunog sa gas station sa Mandaluyong City – BFP

by Radyo La Verdad | November 27, 2017 (Monday) | 2672

Construction related-accident ang dahilan ng pagsabog at sunog noong Biyernes ng hapon sa isang gas station sa Wack Wack Road malapit sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ayon sa hepe ng investigation section ng Mandaluyong City – Bureau of Fire Protection Senior Officer Victorio Tablay, isinasapinal na lamang nila ang kanilang ulat sa insidente pero ito na ang nakita nilang tunay na dahilan ng sunog. Partikular na nang tamaan ng back hoe ang isa sa mga balbula ng tubo.

Kahapon ay ilang safety procedures na lamang ang isinasagawa upang matiyak na ligtas na ang tangke ng LPG sa anomang aksidente. Bahagi ng magiging ulat ng BFP ang rekomendasyon sa posibleng pananagutan ng contractor sa insidente na ikinasugat ng tatlong tao.

Sa pahayag ng Department of Energy, gumagawa na rin sila ng hiwalay na imbestigasyon sa pangyayari kung may mga posibleng paglabag sa mga kasalukuyang panuntunan upang hindi na maulit ang insidente.

Sa rekomendasyon ng technical team ng DOE, pinari-revoke muna ang Certificate of Compliance o COC ng naturang gasoline station upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, ito ay habang hinhintay ang final report nito sa naturang insidente.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

Tags: , ,