Tuluyang pagbabawal ng hazing sa mga fraternity at sorority pasado na sa sub-committee ng Kamara

by Radyo La Verdad | September 27, 2017 (Wednesday) | 3236

Sa House Bill 3467 na tinatalakay ngayon sa Kamara, tuluyan nang ipagbabawal ang pagsasagawa ng physical at psychological hazing.

Ire-regulate na ang initiation rites sa lahat ng school at community based fraternity, sorority at iba pang organisasyon na kagaya nito. Gagawin nang mandatory ang pagpaparehistro ng mga ito sa paaralan at sa local government unit.

Sa programang Get it Straith with Daniel Razon, sinabi ni dating Senador Joey Lina, may akda ng Anti-Hazing Law, nakasaad na sa kasalukuyang batas ang pagbabawal ng hazing. Subalit tila nagkakaroon ng kalituhan sa ilang mga probisyon nito

Kaya naman sang-ayon ito sa panukalang amendments na gagawin ng Kamara upang mas maging malinaw sa publiko ang bawat probisyon nito.

Sa bagong bersyon ng Kamara sa Anti-Hazing Law, pananagutin na rin ang mga school officials oras na magkaroon ng hazing sa loob ng paaralan lalo na kung nagresulta ito sa pagkamatay o serious physical injury.

Ngayong araw nakatakdang ipasa ang panukalang batas na ito sa committee level upang agad matalakay sa plenaryo.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,