Tuloy ang face-to-face classes anoman ang Covid-19 alert level — DEPED

by Radyo La Verdad | August 11, 2022 (Thursday) | 7344

Tuloy ang mga klase sa mga paaralan anoman ang Covid-19 situation sa isang lugar sa bansa. Ito ang binigyang diin ng DEPED, sa kabila ng projection ng Octa research na pagdami muli ng mga bagong Covid-19 cases na maitatala oras na magsimula na ang face-to-face classes sa mga paaralan.

Ayon naman sa Department of Health, maaaring umabot sa lampas sampung libong Covid-19 cases ang maitala kada araw sa Metro Manila pa lang sa unang linggo ng Oktubre.

‘We take the Octa research seriously, nakakatulong na po ‘yan as guidance for us, however, if you look at other studies also like UNICEF there is actually no direct co-relation between inperson classes and transmission as long as nandyan po ‘yung minimum health and safety standards natin lalo na yung pagsusuot ng face mask importante po ‘yan,” pahayagn ni Atty. Micheal Poa, Spokesperson, DEPED.

Sa kabila nito, nilinaw naman ng DEPED na bukas parin ang kagawaran kung magpapatupad ang mga lokal na pamahalaan ng kanselasyon ng klase. Giit ng DEPED, anoman ang alert level, ay tuloy ang klase, pero nasa lokal na pamahalaan kung magdedeklara ng pagsuspindi ng klase.

‘Sa amin po ‘yung overall guidelines lang ng Department of Education is regardless of the alert levels tuloy-tuloy po ang klase natin. The authority to suspend classes in times of calamities, or the national calamity lalo na itong Covid, pwede po kasing localized siya na may maraming cases in one locality, that is within the authority naman po with the LGU part of the NDRRMC na mag-declaire ng suspension of classes from their locality,” dagdag ni Poa, Spokesperson, DEPED.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: , ,