Dismayado ang mga senador sa mabagal na pagpapadala ng tulong ng pamahalaan sa mga pamilya o sektor na naapektuhan sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ang chairperson ng Senate Committee on Public Services na si Senator Grace Poe ay nagpadala na ng sulat sa finance, labor, transportation departments, maging sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang hilingin na agad ilabas ang mga alintunin upang maibigay na ang subsidiya.
Kabilang dito ang pagbibigay ng fuel vouchers sa mga jeepney drivers at operators, fare at rice discounts at unconditional cash transfer program.
Ayon kay Senator Poe at ng iba pang mga sendador, kailangan nang madaliin ito dahil nangangalahati na ang taon at marami na aniya ang umaaray sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Umaasa naman si Senator Bam Aquino na susuportahan ng iba pang senador ang kaniyang panukala na suspensyon sa pagpapatupad ng buwis sa petroleum products sa ilalim ng TRAIN law.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )