Tulong mula sa Cebu para sa mga apektadong pamilya sa Marawi City, ipinadala na

by Radyo La Verdad | July 13, 2017 (Thursday) | 3852


Inihatid na ng Philippine Navy Vessel Landing Craft 229 kahapon ng umaga sa Iligan City ang mahigit dalawang libong balde ng relief goods.

Para ito sa mga pamilyang apektado ng kaguluhan sa Marawi City.

Bawat balde ay naglalaman ng limang kilong bigas, walong lata ng sardinas, kumot, mosquito net at mga gamot.

Ang hakbang na ito ay inisyatibo ng Du30 Cabinet Spouses Association Inc. na pinangunahan ni Mrs. Marissa Aguirre, and maybahay ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Plano rin ng grupo na magbigay ng tig-sasampung libo pisong cash assistance sa bawat pamilya ng mga sundalong nasawi sa bakbakan.

Maglalaan din sila ng 2000 packs na naglalaman ng t-shirt, tuwalya, biskwit at iba para sa mga sundalong nakikipaglaban ngayon sa Marawi City.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , ,