Sa tulong ng concerned citizen na nagreport sa hotline number ng chief ng Philippine National Police (PNP), naaresto ng Bacoor City Police ang isang tulak ng iligal na droga sa isang subdibisyon sa Barangay Mambog 3, Bacoor City, Cavite noong Biyernes.
Matapos makumpirma ng Bacoor Police ang iligal na transaksyon ng suspek, agad ikinasa ang isang buybust operation.
Kinilala ang naarestong drug pusher na si Patrick Paul Mallari at ang naabutang buyer na si Marcelino Sacramento.
Ayon kay Bacoor City Police Chief, Police Superintendent Vicente Cabatingan, tila kakaiba at bago para sa kanila ang istilo ni Mallari sa pagbebenta ng iligal na droga.
Nakumpiska kay Mallari ang nasa anim na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalagang 10,200 piso.
Nagpapasalamat naman si Cabatingan sa mga concerned citizen na tumulong sa kanila sa pagsusuplong sa naarestong suspek.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Bacoor City Police ang dalawa at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
( Benedict Samson / UNTV Correspondent )
Tags: Bacoor City, iligal na droga, PNP Chief Oscar Albayalde