Aprubado ng Department of Education o DepEd ang pagtataas ng tuition fee sa 1, 232 private elementary at high school sa bansa.
Ayon sa DepEd nakasunod sa kanilang itinakdang requirements ang mga paaralan na humiling ng umento sa matrikula.
Pitumpung porsyento umano ng itataas na matrikula ng mga paaralan ay dapat na mapupunta sa pagpapa¬sahod sa mga guro.
Ayon sa DepEd, sa dalawampu’t apat na milyong mag-aaral sa bansa, 12.2 percent ay pumapasok sa mga private school samantalang naka-enrol naman sa mga public school ang natitirang 87.8%
(UNTV RADIO)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com