Maghahain ng apela ang Trade Union Congress of the Philippines dahil sa maliit na dagdag sa minimum wage na inaprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board dito sa National Capital Region
Sa bagong wage order, nadagdagan ng P15 pesos ang dadag-sahod ng mga manggawa kung saan mula sa P461 kada araw ay magiging P481 na ang arawang sahod ng mga obrero sa Metro Manila
Ayon kay TUCP Assistant General Secretary Hernan Nicdao, dismayado sila naging umento sa sahod dahil malayo ito sa hinihiling nila na P146 na dagdag sa sahod na batay naman sa P1,200 na living daily wage para sa isang pamilya.
Posibleng iakyat ang kanilang apela kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz o kaya kay Pangulong Benigno Aquino III para hilingin na itaas pa sa P15 ang umento sa sahod.